Una sa Balita

Kris ‘di minana ang katangian nina Cory, Ninoy

0 894

abante-i-know-better-jun-nardoKalusugan ang priority ngayon ni Kris Aquino. Kahit alam niyang marami tayong maga­galing na doctor, ang mabilisang resulta ang gusto niya kaya bumiyahe siya papuntang Singapore kasama ang anak na si Bimby.

Eh tila may kumukumbinsi pa rin sa kanyang pasukin ang politika, nag-post siya ng isang quotation sa kanyang Instagram. Ito raw ang gamitin laban sa kanya kapag pinasok niya ang politika.

“The strength to stand alone…The power of not knowing and letting go…I guess I’ve found my way…It’s simple when it’s right…Feeling lucky just to be here tonight…And happy just to be me and be ALIVE.”

Diin ni Kris, “I am an AQUINO but lack 2 traits that NINOY, CORY, and Noy all shared – selflessness and simplicity. That’s why I know, I’ll never be deserving of your votes.”

Pag-aamin pa niya, “Believe me, I’m not healthy enough for politics. Reality check kahit mababaw, totoo. Sa pulitika bawal ang Chanel, Gucci, etc. kasi hindi tama dahil hindi pa mayaman ang Pilipinas.”

Alam niyang ibinoboto ng Pinoy ang inspiring at low maintenance candidates.

Cherie namundok sa Indonesia

Nagpalipas ng Bagong Taon si Cherie Gil sa summit ng Mount Batur, isang active volcano sa Bali, Indonesia.

Saad ng isa sa mga artista ng “Onanay” sa kanyang Instagram, “Wow, I can’t believe it. We made it to the summit. 1,717 meters all the way up….first time to trek a volcano…made it to sunrise just as planned.
“Happy New Year! What a great way to receive 2019!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy