Una sa Balita

KRIS AT BISTEK, KAABANG-ABANG ANG EKSENA SA KASAL!

By
0 134

Pero ang ikakasal muna ngayong buwan sa Pilipinas ay si Congressman Alfred Vargas at ang kanyang beautiful wife na si Yasmine Espiritu-Vargas.

Kasal na sila, pero tinupad ni Alfred ang pangakong magpapa­kasal pa rin sila sa simbahan.

Magaganap ito sa July 23 sa Manila Cathedral at sa Manila Pe­ninsula ang reception.

Flower girls ang dalawang pretty girls nina Alfred at Yasmine na sina Alexandra at Ar­yana.

Seven pairs ang napili nilang tumayong mga Ninong at Ninang kabilang na ang manager ni Alfred na si Lolit Solis (dito sure na invited siya, huh!), Mar Roxas, Manny Pangilinan, Congresswoman Vilma Santos, Kris Aquino at Vice President Leni Robredo.

Tatayong Cord Sponsors naman sina Ma­yor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ng Quezon City.

So, magkikita sa kasal sina Bistek at Kris ha! Abangan!

Isa sa mga love naming artists turned politician si Alfred dahil isa siya sa hindi talaga pi­nagbabago ng estado o posisyon niya. Pareho ang malasakit niya sa industriya at sa kanyang public service.

Higit pa rito, makikita mo talaga kung gaano siya ka-devoted bilang isang asawa at ama.

Lumalabas na rin ang mga pre-nuptial pictures nina Alfred at Yasmine na kuha sa Italy at talaga namang elegant at ang ganda nilang parehong tingnan. How much more pa nga kaya on the wedding day itself? 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More