Una sa Balita

Kris-Bistek 2-beses binalak, naudlot magpakasal

By
0 349

Grabe, ano kaya ang magiging reaksiyon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa rebelasyon ni Kris Aquino na da­lawang beses naudlot ang kanilang planong­ pagpapakasal? Kalokah, ha?

Ayon kay Tetay, unang­ beses nga raw na naurong ang kanilang kasal noong 2014.

Bigla raw siyang nakatanggap ng tawag mula kay Bistek noong April 8 habang siya ay busy sa advance celebration ng 7th birthday ni Bimby para sabihin sa kanya na kinaka-cancel nito ang kanilang kasal.

Hindi na niya idinetalye kung bakit ganu’n ang naging desisyon ni Herbert, pero ang ibinuking niya na a month bago ang kanselasyon na ito ay nag-propose ito sa kanya.

Tapos, heto, noong January 22, 2017 daw ay muling nag-propose ito sa kanya noong sila ay nasa Rome kung saan ay binigyan siya nito ng D color, heart shaped diamond ring.

Pero, this time, siya na ang umurong dahil na-realize raw niya na hindi talaga sila puwedeng magsama ni Bistek dahil sa pareho nilang malalaking res­ponsibilities sa buhay.

Ayon pa nga kay Tetay, in a family nga raw, there should only­ be one star. Pero dahil pareho nga silang star ng kani-kanilang buhay ay mahihirapan nga raw siyang ma-maintain ang magi­ging bagong buhay nila together kung sakali.

Well, abangan natin ang sasabihin ni Herbert tungkol dito, huh! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy