Una sa Balita

Kris binastos ng staff ng PAL-Lucio Tan

0 715

INOKRAY ni actress/TV host Kris Aquino ang Philippine Airlines (PAL) dahil sa ginawan­g pambabastos sa kanya ng umano’y ground staff ng nasabing airline.

Isa ang PAL staff sa nagkomento sa pinost ni Kris hinggil sa short video tungkol sa kanya, Willie Revillame at Bimby na nagbibigay ng saya kay Joshua.

Kahit burado na ang comment at Instagram account ng sinasabing ground crew ng PAL, binira pa rin ng aktres ang sinasabing staff at ang airlines.

“Attention @flypal, his profile says he works as part of your ground staff & yet he puts out such a derogatory comment, practically calling me out as a wh*re when 99% of the comments have been so positive because we made kuya josh, happy?” birada ni Kris.

“And I have been so consistent in my praise for the very visible improvements in your airline? Sad to have a member of your team post in such a way that reflects badly on our flag carrier,” diin pa ng aktres.

Hindi naman maberipika ng PAL kung totoong staff nila ang nambastos kay Kris dahil burado na ang nasabing account, ayon kay spokesperson Cielo Villaluna.

“Nonetheless, PAL management does not tolerate disrespect in social media interactions and anyone found guilty of such behavior will be disciplined,” pagtiyak ni Villaluna nang hingan ng komento ng Abante.

Ang PAL ay pagmamay-ari ng bilyonaryong negosyanteng si Lucio Tan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy