Una sa Balita

Kris, Bimby, Joshua Boracay bonding tinangkang wasakin

0 459

Nasa Boracay na ngayon si Kris Aquino, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. At ­pakiusap nga sana ni Kris, huwag ­munang ­bulabugin ang bakasyon nilang mag-iina.

Kasi nga, may mga tao talaga na ­kahit na sa moment na nagba-bonding ang tatlo, kung ano-ano pa rin ang ­hinihirit sa kanila.

Naapektuhan nga si Kris sa ­mensaheng ito sa kanya ni r­aeymaeckersraine:

“Ms. Kris, I just want to ask you this. I hope you won’t get mad. Who do you think killed your father? Is it really the ­previous President Marcos? I am one of those ­Filipino citizens who is curious about the slaying of your father. I really want to know your thoughts about it. Thank you.”

Heto nga ang sagot ni Kris: “@raeymaeckersraine killed or ordered the ­killing? I don’t understand people… you tell us to move on, yet you ask a ­question with such an obvious answer. Sagutin kita ngayon, will the 12 year old me be given a father again? Or would the 1 year old me have been given the chance to grow up in a home with a father? Panahon­ ko ‘to with my sons… sana yung ninakaw na oras sa ‘kin w/ my father wag mong ­nakawin sa mga anak ko. (in case burahin nung gustong sumira nung quality ­bonding time ko with kuya josh & bimb). #truth.”

Anyway, nasa Boracay­ na nga si Kris, at medyo naalarma siya sa ­pagkakaroon ng dengue roon ­ngayon. Mabuti na lang daw at ­nagbaon siya ng ‘citronella ­essential oil’ na ­panlaban sa mga lamok.

(Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy