Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris bet kuning host ng bagong TV Network

0 290

May isang bagong network ang interesadong kunin ang serbisyo ni Kris Aquino. Hindi ko na muna papangalanan ang naturang network, pero sa chika nila sa akin, bet na bet nilang kontratahin si Kris.

“Iha-hire po namin si Kris Aquino for a new TV Network soon,” sey nito sa akin.

Siyempre, ang manager muna ni Kris ang gusto nilang kausapin. At kung magkakasundo sila, malamang na sa 2021 na magsisimula ang naturang talk show.

Well, sa husay ni Kris, marami naman talaga ang magkakainteres na kunin siya. At wish talaga ng mga fan niya na makabalik, o mapanood na ulit siya sa telebisyon.

‘Dugo’ ni Catriona pinag-agawan

Again and again and again, pinuri na naman ng mga netizen si Catriona Gray dahil sa kanyang kabaitan, kabayanihan. Hindi nga lang ang kagandahan ni Miss Universe 2018 ang pinupuri ng mga netizen, kundi ang kabutihan din ng kanyang puso.

Anyway, hayun nga si Catriona at hindi nangiming mag-donate ng kanyang dugo sa mga nangangailangan.

“Be a Hero 🩸 Donate Blood.
“During my visit to the Philippine Red Cross headquarters, I did a simple yet meaningful act of saving lives – donating blood!
“Donating your blood to someone in need may just be one of the easiest ways to save a life. Because of people’s hesitancy to visit blood banks during the pandemic, our supplies are worryingly low. Won’t you join me in donating? 🩸 #GiveLifeGiveBlood.
“The global pandemic may have restricted us from doing our normal routine but it should never hinder our passion to help and be compassionate towards our most vulnerable.

“For those who are interested to donate blood (firstly – thank you!! 🤗), you can get in touch with the @philredcross PRC Blood Center thru these numbers: 87902384 Local 154 or 09178348276. For inquiries about COVID19 testing, you may 1) simply call 1158; 2) go to http://redcross1158.com; 3) visit the website at redcross.org.ph and checkout the help center icon at the bottom right corner of the page; or connect with your local Red Cross chapter.
#PRCLifelineOfThePeople #PhilippineRedCrossAmbassador.”

At siyempre, nag-agawan ang mga fan sa ‘dugo’ ni Catriona, ha! Sabi nga nila, napakasuwerte raw ng mabibigyan ng dugo ng isang reyna na tulad ni Cat.

“Napakasuwerte ng mabibigyan ng dugo ni Queen Cat. Kasi kamag-anak na nila siya,” sabi ng isang fan.

Sabi ni shai_shainah: “Penge blood ni Cat, baka sakaling tumangkad pa ako.”

Hirit ni i_am_not_adrian: “Wow the people are gonna be lucky to have your amazing blood but your the best person ever u don’t think about your self u think bakit every lone mabuhay ka Catriona.”

Well, parang bet ko rin masalinan ng dugo ni Cat, ha!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.