Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris Bernal tumodo sa paghuhubad

0 334

Iba na rin magparamdam, magpakita ng pagbabago, pagma-mature, ang mga artista ngayon.

Na kung noon, ang mga artista, idinadaan sa paggawa ng pelikula, pagtanggap ng mother role, pagsabak sa pagiging kontrabida, para maipakita sa madla na nagbago na sila, nag-mature na sila.

Pero ngayon, naghuhubad na sila sa Instagram, at hudyan na nga `yon ng nag-mature na sila, nag-grow na sila, o nagbago na sila.

Tulad nga ni Kris Bernal na nagdaraos ng kanyang ika-32 kaarawan. At sunod-sunod nga ang paghuhubad na ginagawa niya sa social media, ha!

“Maturity does come with age but still not all people who are at 30s can be called mature. I think with all the experiences that I carried throughout my journey, I learned how to be mature in different aspects. Maturity in dealing with people, situation, and in dealing with myself. I learned the hard way tho! It wasn’t an easy ride especially when the pandemic hit but yes it contributed to my maturity,” sabi ni Kris, kasunoda ng mga hasthag na #KrisbNeverBeenThisFree #KrisBAt32.

At sa isa pang photo na hubad uli siya, heto naman ang caption niya.

SM food to go Banner Ad

“I don’t try to interchange the word growth and maturity. I think it is related to each other but it is completely different from each other as well. Growth is something that you constantly encounter. I’ve grown so much in the past years of my life and I continue to grow. This is something I embrace: that I am not a perfect person and I’m a work in progress. I continue to choose growth everyday no matter how hard the journey may be for me to grow.”

Anyway, abangan din si Kris sa Lunch Out Loud ng TV5 ngayon May 17, pati na sa May 20, 21, 22.

“Thank you so much, Lunch Out Loud, for all the pasabogs. It’s as if I had a workshop for hosting. Lol! And, I was able to show my comedic skills! Charoooot!” sabi pa niya.

Siyanga pala, ang mga sumusunod ang nagsama-sama, nagtulong-tulong para sa mga sexy photo na inilabas ni Kris. Salamat kina @joshke_, @murielvegaperez, @carloroblico, @jannostyles, @lucasstudios_.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.