Una sa Balita

Kris Bernal nagpakain ng mga asong kalye

0 512

Ang mga asong kalye ang naging sentro ng atensyon ni Kris Bernal ngayon. Nag-post si Kris na may hawak siyang plastic bowl na may laman na pagkain ng aso.

Ayon sa caption, gaya ng mga tao, nagugutom din ang mga askals na gumagala sa kalye, kaya naman naisip niyang mag-iwan ng pagkain sa labas para sa mga ito.

Pito ang aso ni Kris at gusto niyang bahaginan ng pagkain ng mga ito ang mga askals sa labas ng bahay. Dalawa hanggang tatlong beses na nagri-refill si Kris ng mga pagkain sa labas ng kanilang bahay para sa mga gumagalang mga aso.

Sey pa nya, kung nakakapagsalita lang ang mga ito, gaya ng mga tao ay makikiusap din ang mga itong bigyan sila ng pagkain para hindi sila magutom o mamatay. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More