Una sa Balita

KRIS BERNAL, NAGHUBAD, DINUMOG NG MGA LALAKE!

0 196

Sobrang daring na nga ni Kris Bernal at kitang-­kita ‘yon sa latest edition ng FHM. Kahit super payat ang aktres ay kitang-kita ang kaseksihan niya.

Ipinagmamalaki niya ang kanyang sexuality at ­womanhood at ito ay may basbas ng kanyang ­pamilya. Sila pa nga raw ang pumili ng mga ilalabas ng ­naturang magazine.

Bilang latest FHM Cover Girl ay isang regalo na rin daw para sa sarili sa nalalapit niyang kaara­wan sa May 28 bukod sa mahal na bag na binili niya.

Hindi naman hadlang ang pagpapa­seksi niya sa lalaking hanggang ngayon ay umaasa na sagutin niya. Mas dumami nga raw ang manliligaw niya ngayon.

Handa rin si Kris sa mga maghuhusga sa pagpapaseksing kanyang ginawa at hindi naman ­talaga nawawala ang mga bashers na madalas ay nagpapansin lang. Basta siya sa edad niya ngayon ay puro positive lahat ang kanyang ­ginagawa.

Tuloy pa rin ang pagiging hands on niya sa kanyang restaurant business na lalong umu­unlad habang abala sa bago niyang tele­serye na Impostora.

Kahit marami siyang nakausap na ibang networks noong panahong nag-expire ang kanyang ­kontrata sa GMA ay ang home ­network na nagpasikat sa kanya ang pinili niya. ­Mananatili ­siyang Kapuso ng ­another 3 years.

Hindi rin siya nalungkot sa ka-loveteam niya noon na si Aljur Abrenica na magiging ama na. Nakita raw niya ang pagma­mahalan nina Aljur at Kylie Padilla. (JOE ­BARRAMEDA)

“Hindi ako patola!” — Kris

Si Kris Bernal ang dapat tularan ng mga ­artista na mabilis mapikon, pinapatulan at nakiki­pagsagutan sa kanilang mga hater at ­basher.

Block and delete ang sagot ng Impostora sa kanyang ­detractors na nagpapaapekto sa mga social media post niya, lalo na nang pumayag siya na magpaseksi para sa cover ng isang magazine for men.

“Hindi ako patola eh pero bina-block ko lang,” ang sabi ni Kris na minsan nang iniyakan ang mga pamimintas sa kanya.

“‘Yung iba, sobra naman. ‘Yung iba, talagang ­parang concerned lang, okey lang pero ‘yung below-the-belt na talaga, parang feel ko ang dami nilang alam.

“Nakikita n’yo ba ako araw-araw? Kasama n’yo ba ako maya’t maya like ‘yung mga nagsasabi na ­anorexic ako, bulimic o whatever?

“Hindi nila alam kung paano ako kumain. ­Nakikita n’yo ba kung paano ako kumain?

Isinusuka ko raw, pati ‘yung burgers (her burger business) ko, ginawan pa ng isyu na hindi naman daw talaga ako ang may-ari kasi hindi ko naman kinakain. Haa?? Ipakita ko sa inyo ‘yung business permit ko.

“Malakas akong  kumain pero controlled lang,” ang natatawa na paliwanag ni Kris. (JOJO ­GABINETE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More