Una sa Balita

Kris Bernal itinatago pa rin ang lalake niya

By
0 39

Isinisingit na lang ni Kris Bernal ang kanyang lovelife. Hi, hello na lang daw ang drama nila ng non-showbiz guy na nagbibigay inspirasyon sa kanya ngayon.

Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung sino ang lalaki ngayon sa buhay ng bida ng Impostora.

Eh sa mga Instagram posts ni Kris, ang madalas niyang pagwo-work out, pagsasaayos ng kanyang business at dinadaluhang events ng pino-post niya.

Eh mas pinili na ni Kris ang magkaroon ng non-showbiz boyfriend dahil gusto niya ‘yung lalaking may stable na trabaho kumpara sa showbiz BF na hindi sigurado ang kita, huh!

Barbie-Ken lambingan mabenta

Pinatunayan ni Ken Chan na nasa puso pa rin niya ang kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si German Moreno nang dumalaw siya sa libingan nito last November 2 sa Loyola Memorial Park, Marikina.

May selfie pa ang Kapuso actor sa puntod ni Kuya Germs at nakalagay sa caption niya ang, “Na-miss kita Master.

Kung nasaan ka man ngayon Tay alam kong masaya ka. Lagi ka pa rin nandiyan sa tabi ko…laging nasa puso ko. Mahal na mahal kita!”

Sa mga naging co-hosts ng namayapang Master Showman, isa si Ken sa na-build up niya bilang lead actor.

After ng solo starrer niyang series na Destiny Rose, humataw nang todo si Ken nang mapasama sa Meant To Be.

Dito nabuo ang loveteam nila ni Barbie Forteza at ngayon nga, elevated na ang tambalan nila sa movie na This Time I’ll Be Sweeter.

Wala mang tunay na relasyon, bentang-benta sa fans nila ang lambingan nila sa bawat mall show at TV guestings nila.

Marunong tumanaw ng utang na loob si Ken kay Kuya Germs kaya naman patuloy ang biyayang dumarating sa career niya.

Jessica Soho marunong magpasalamat

Nagpadala ng text sa amin ang award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho upang magpasalamat sa sinulat namin dito sa episode na Gabi ng Lagim V sa kanyang programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Siyempre, touched kami sa mensaheng ‘yon ni Jessica. Ilan lang kasi ang personalidad na gaya niya ang marunong magpasalamat sa nasusulat sa kanilang programa.

“Hi Jun! Si Jessica Soho ito. Maraming salamat sa isinulat mo sa aming Halloween special. God bless you!!!” text sa amin ni Jessica.

Kung inaabangan tuwing Sunday ang episode ng KMJS, abangers na rin ang followers ni Atom Araullo sa una niyang documentary sa GMA na Philippine Seas na sa Linggo, November 5, mapapanood sa hapon bago ang Road Trip.

Tumodo si Atom sa dokumentaryo niyang ito kahit aminado siyang mahirap ang pinagdaanan niya, huh!