Una sa Balita

Kris Bernal ilusyonada, feeling dyowa ni Spider-Man

0 295

Nag-celebrate si Kris Bernal ng 30th birthday niya kahapon. At bongga nga ang mensahe niya, hindi para sa sarili niya, kundi kay Spider-Man, ha!

Lumalabas na iniilusyon talaga ni Kris si Tom Holland. At umabot nga siya sa punto na nagpapansin na siya sa Hollywood actor.

Kunsabagay, sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Tom? Na bukod sa guwapo naman, sikat pa bilang Spider-Man.

“30 years old, 12 years in the showbiz industry! Just being here and experiencing this miracle called e­xistence is enough to bring me contentment.

I can’t reply to you individually, but do know that I have received and read your wishes and I can’t express my gratitude enough. How blessed I am to have so much love from everyone around me. Thank you, from the bottom of my heart.

“P.S. You make the best cheesecake, @choi.perry Super supportive pa sa relationship ko kay @tomholland2013! Lol! Hi @tomholland2013 notice me please!! It’s my birthday!! @tomholland2013 @tomholland2013 @tomholland2013.”

Winner, ‘di ba? Bongga rin magpaka-faney itong si Kris Bernal. Kaya sa mga ka-lookalike ni Tom Holland, gorabels na kayo, at malay niyo, maging dyowa niyo ang Kapuso actress, ha! ­(Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy