Una sa Balita

Kris Bernal handa nang magpabuntis

0 545

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyReady na sa engagement propo-sal ang Kapuso star na si Kris Bernal sa kanyang Chinese boyfriend-business partner.

Ito ang sinabi ni Kris sa panayam ng “Abantelliling” sa kanya kasama si Dondon Sermino, sa presscon ng bagong movie na kinabibilangan din nina Jake Cuenca, Katrina Halili, Ritz Azul, ang “Kontradiksyon” na dinirehe ni Njel De Mesa para sa Bell Films.

Hindi  nagdalawang isip si Kris na sabihing ‘ready na’ sa engagement sa tanong namin kung gusto na ba niyang mag-asawa. Pero wala pa namang paramdam ang boyfriend ni Kris para sa marriage proposal sa ngayon. Pero kung sakali mang alukin siya anumang oras, hindi raw siya mag-aatubiling sagutin ito ng ‘yes’.

Pero bibigyan muna ni Kris ng dalawang taon ang kanyang acting career bago siya humarap sa altar. Sa paniniwala ni Kris, wala na siyang gusto pang ma-achieve sa kanyang karera, dahil binibigay naman daw ng GMA ang mga gusto niya.

Successful naman si Kris sa kanyang pagiging negosyante katuwang ang pamilya at kasintahan.

Sa edad niyang nasa 30, dapat lang daw na isipin na niya ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Gusto rin ni Kris na magkaroon ng mga anak at masabayan din ang paglaki ng mga ito.

Samantala, very challenging kay Kris ang role nya bilang drug pusher/user sa “Kontradiksyon.

Maloloka raw sa kanya ang mga supporter ng mga drama series na ginagawa niya sa GMA 7, dahil malayo ang role na ginagawa niya sa lalabas niyang movie.

Nota ni Ahron kasinglaki ng tuhod

Binubulabog na naman ni Ahron Villena ang namamahinga na sanang malisya sa utak ng kanyang mga follower, dahil sa latest post niya sa Instagram, na nagi-endorso siya ng isang beauty capsule.

Nakalublob ang kalahating katawan ni Ahron sa bathtub na natatakpan lang ng basang white polo ang magkabilang dibdib niya. Sa ibaba ng kanyang pusod ay may nakalitaw na umbok sa suot niyang white pants na basa rin.

Ilan sa mga follower niya ang pumansin sa umbok at ipinapalagay na mga ito na kargada ng aktor yon. Umani ng mga comment ang umbok na ‘yon, na sabi nga nila ay “Yummy”, “Sarap” at “Daks” na ang ibig sabihin ay malaki.

Hindi malinaw kung nota nga ito ng aktor na nakaumbok, pero kung pagmamasdan mabuti ay parang tuhod niya ito na itinaas lang niya.
Sa tingin ko ay tuhod ng aktor ang inakalang nota ng mga fan niya, na sabi nga ay “daks”. Pero, puwede ring sabihin na kasinglaki ng tuhod ang nota ni Ahron? Kaloka!
Pero just the same, sa itsura nitong nakalitaw ang kanyang dibdib at pusod, pati na ang makinis at maputi nitong kutis, sapat na yun para pukawin niya ang elya ng mga beki at girl na mga fan niya.

Dayanara, Mark Anthony nagsama para sa anak

May dinadala mang mabigat na karamdaman si Miss Universe 1993 Dayanara Torres, nababalutan pa rin nang walang kapantay na kasiya-han ang beauty queen-actress.

Naka-post sa kanyang Instagram ang larawan na kasama ang singer na si Mark Anthony at ang dalawa nilang anak na lalake.

Nakasuot ng graduation robe at toga ang panganay nina Mark at Dayanara na si Cristian.

Nagtapos ito ng kanyang secondary school sa Amerika kaya naman ganon na lang ang kaligayahan at naramdamang pagiging proud sa anak. Ipinagmalaki pa ni Dayanara ang kanyang panganay sa social media kasunod ng mensahe nitong nasa likod lang siya ni Cristian sa tatahakin nitong susunod na yugto ng paga-aral nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy