Una sa Balita

Kris balak landiin, agawin si Rayver kay Janine?

0 355

Naiyak sa sobrang pasasalamat niya si Kris Bernal dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng GMA-7 sa isang malaking teleserye tulad ng ‘Asawa Ko, Karibal Ko’. Matagal ding hindi gumawa ng bagong teleserye si Kris after ng double character niya sa Impostora.

Pero worth it naman daw ang paghihintay niya dahil kakaibang role ulit ang binigay sa kanya.

“Never naman akong nagduda sa GMA-7 pagdating sa career ko. I know na medyo matagal nila akong bigyan ulit ng teleserye, pero ang pakiramdam ko ay pinag-iisipan nila nang husto kung ano ang ipapagawa nila sa akin. ‘Yung hindi lang ako bibigyan ng show dahil kailangan.

“Noong sabihin na sa akin ang tungkol dito sa Asawa Ko, Karibal Ko, at si Rayver Cruz pa ang leading man ko, hay… Kinilig ako bigla!

“As in, nakangiti ako the whole day kasi nga super crush ko si Rayver noong wala pa ako sa showbiz. Sa totoo lang, every taping day namin ni Rayver, kinikilig ako!

Pero may mga boun­dary naman si Kris dahil may boyfriend siya at nali-link si Rayver kay Janine Gutierrez.

“Hindi naman ako flirt, eh. Never naman akong nabalitang gano’n kahit na kinikilig ako sa mga naging leading men ko.

“‘Yung kilig ko kay Rayver, hanggang doon lang ‘yun. Parang high school lang. Wala naman akong balak na agawin siya kay Janine, ‘di ba?

“At saka I respect ­other people’s relationships kung gusto mo ring irespeto ka, ‘di ba?” diin pa ni Kris.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy