Una sa Balita

KRIS B., PINILAHAN NG MGA KALALAKIHAN!

By
0 9

Dinagsa at pinilahan ng mga kalalakihan ang meet and greet ni Kris Bernal para sa pagi­ging cover girl niya ng FHM magazine.

Dahil first time niyang magpa-sexy sa cover ng FHM, marami ang nagkaroon ng interest sa petite Kapuso star na magbibida sa afternoon teleserye na Impostora kunsaan bida at kontrabida siya.

Gustong patunayan ni Kris na sa edad niya ngayon na 28, marami na siyang puwedeng gawin at hindi lang mga drama roles na paiyak-iyak lang.

“Being in the industry for 10 years, feeling ko, dun na nag-stick ‘yung mga tao eh. Sa mga roles na ginagawa ko na paulit-ulit na lang. Gusto ko mag-move on ‘yung mga tao and show them na I can do meatier roles.

“Gusto ko naman mag-experiment. Nata­on na pumayag ako na magpa-sexy sa cover ng FHM.

“I posed for FHM because it’s something mature. It’s something different. Ngayon lang nila akong nakita sa mga ganitong pictures, kaya na-excite ako.

“Tutal in two years, 30 years old na ako. Kelan ko pa magagawa ang ganitong klaseng photo shoot, ‘di ba? So it’s now or never,” diin pa ni Kris.

Pagdating sa pagkakaroon ng boyfriend, inamin ni Kris na masyado siyang pihikan.

“I’m very picky so pagdating talaga sa dating, hindi talaga ako nag-i-entertain masyado.

“Gusto ko, three things lang yan eh: maalaga, mahal ‘yung pamilya ko, and lastly, mahilig magdasal or malakas ‘yung faith kay Lord.”