Una sa Balita

Kris ayaw nang makipaglokohan sa mga lalake

By
0 4,824

Mukhang suko na nga si Kris Aquino na magka-boyfriend pa. At kahit ngayong 2018, mukhang hindi na siya umaasa pa na magkakadyowa pa siya, lalo na siguro ang magpakasal pa, o mag-asawa.

Sa latest post niya ng bonggang quotation na, ‘Why fall in love when you can fall asleep?’ nilagyan niya ito ng caption na, ‘The current state of my heart. Good night. #myreality #mytruth #acceptance.’

Sa mga pa-hashtag niyang acceptance, my reality, my truth, feel na feel mong suko na nga siya sa ngayon, na tanggap na niya na ang pagtutok sa mga negosyo at sa dalawang anak na lalake ang mas dapat niyang asikasuhin ngayon.

Lalo na ngayon na kailangan na niyang maghanap ng malaking lote na pagtatayuan niya ng building para gawing opisina niya. Dumarami na raw kasi ang empleyado niya, at hindi na puwede ‘yung mag-rent na lang ng isang kuwarto, kaya building na ang kailangan niya.

Imagine, sa 22 endorsements ni Kris Aquino, may 5 pa na madadagdag nga­yong buwan ng Enero. Eh, sobrang lakas din ng food business niya, lalo na ang Chowking resto na pag-aari niya ang ilang branch, na isa sa mga araw na ito ay magbubukas na naman siya ng panibagong branch sa Quezon City.