Una sa Balita

Kris Aquino hindi nakatulog sa ‘sakit’ ni Bimby

0 770

Kahit sinong ina, matataranta, at hindi hahayaang nahihirapan ang kanyang anak, lalo na sa panahon ngayon.

Kaya kahit may pinagdadaanan din sa problema sa kalusugan si Kris Aquino, hindi niya puwedeng pabayaan ang bunsong anak na si Bimby.

Naikuwento nga ni Kris na under renovation ang bahay nila sa Quezon City, kaya malabong bumalik sila roon nina Bimby at Josh sa ngayon. Bukod pa sa hindi pa nga rin sila nakakabalik ng Metro Manila mula sa bakasyon nila sa Boracay, at pati na rin sa lugar ni Willie Revillame.

Kaya nagpapasalamat siya na may isang kaibigan, bukod nga kay Willie, ana pansamantala silang inampon, o pinatuloy sa bahay nito.

Heto nga ang post ni Kris:

“I made the conscious decision to isolate ourselves, we found a friend and she kindly allowed us the use of their spare room, separate from their family’s area.

“Nagmagandang loob na si Willie, nakakahiya kung may mahawa pa sa masamang ubo & pneumonia ni Bimb. The 3 of us are the only family we have now kaya walang iwanan…

“Kuya is so tall, kaya diagonal siya sa bed.
“My prayers were answered, hindi nagka-fever si Bimb. He took his 2nd dose of antibiotics, and okay ang appetite nya.

“I’ve been awake 24 hours (all parents will understand me) nagbantay ako to make sure nakatulog sya, no chills, and hindi hirap huminga.

“Sharing this to remind everyone, wag dedmahin ang ubo- and let’s care enough about the health of others to not risk their health?

“Constant hand washing helps a lot- the 3 of us are always together but because I have been strict about washing hands & disinfecting our gadgets, so far okay kami ni kuya,” kuwento ni Kris.

Josh, Noynoy nakaka-touch ang mensahe sa isa’t isa

Heto naman ang kuwento niya tungkol sa panganay na anak na si Josh, at sa Kuya naman niyang si former President Noynoy Aquino.

“Speaking of Kuya Josh, nasilip ko his phone habang ka-text nya si Tito Noy while Kuya told him Bimb was sick. Nakaka-touch because Kuya Josh told his Tito Noy: ‘I miss you & I love you so much… I saw the reply: love you, Josh’.
“Maybe reminder for all of us to tell everyone we care about how much they mean to us & how much we love them, whether we are near or far… May God bless you and your families during this time of trials & uncertainty. #faith,” saad pa ni Kris.

Heto pa ang karugtong na post ni Tetay:

“Exodus 23:25 NLT
“You must serve only the LORD your God. If you do, I will bless you with food and water, and I will protect you from illness.”

Na-touch naman siyempre ang mga fan ni Kris sa nabasa nilang mensahe nito. Heto nga ang mga reaksiyon nila;

aibea_12: “Claiming Jesus is Bimb’s greatest healer, HE will never leave Bimb. God’s grace & mercy as Bimby is recuperating. Sharing Prov 3: 5 Ms. Kris.”

irahsanielyap: “Praise God hindi ka po nahawaan… Immunocompromised kapa nman po.. God bless.”

jerome.m.padilla; “

jp� ( ambivert ) (@jerome.m.padilla) • Instagram photos and videos
768 Followers, 94 Following, 500 Posts – See Instagram photos and videos from jp� ( ambivert ) (@jerome.m.padilla)

Ingat kayo, stay safe and healthy especially u madame, get well soon bunso, padre pio will heal u.”

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More