Una sa Balita

Kris Aquino, ‘eeksena’ na sa show ni Willie Revillame

By
0 56

So totoo ang chismis na tutulungan nga ni Willie Revillame si Kris Aquino at ang plano raw ay maging guest co-host muna ito sa Wowowin. Ito ay kinumpirma ng Kapuso talent na si Ashley Ortega sa presscon ng Spirit Of The Glass 2 na ipapalabas sa mga sinehan sa Nov 1.

Ayon kay Ashley ay nakipag-meeting na si Kris Aquino kay Willie pero walang detalye kung ano ang kasunduan dahil wala siya noon sa office ni Willie at may iba siyang project that day. Dapat daw ay nag-taping na si Kris pero mukhang hindi natuloy. Si Kris ay kasalukuyang nasa Thailand for a business meeting. Kaya malalaman natin yan sa pagbabalik ni Kris sa bansa.

Kris Bernal, walang kalandiang boylet sa Korea

Ngayong nakapagbakasyon si Kris Bernal sa Korea, nagkaroon siya ng panahon para makapahinga at makapagliwaliw na mag-isa. Iniintriga pa ang Kapuso actress kung sino ang kasama niya roon, pero ayon sa kanya kung may makakasama man daw siya sa pag-travel ay mas gusto niyang pamilya ang kasama. ‘Yun na nga, wala raw kasamang lalake si Kris sa Korea.

Matagal nang hindi nakakapagbakasyon ang buong pamilya niya nang sama-sama at iyon ang pinagsisikapan niyang tuparin. Dahil may pamilya na ang panganay niyang kapatid, mahirap na raw pagtugmain ang mga schedules nila.

Plano niyang ulitin ang naging bakasyon nila sa Europe, na siguradong mas masaya na dahil nadagdagan na ang pamilya nila.

Samantala sa Impostora, malaman na kaya na nagpapanggap lang si Rossette bilang Nimfa? Nagawang tawagan ni Nimfa si Homer (Rafael Rosell) para sabihing kinidnap siya ni Rosette, pero hindi sila magkaintidihan sa telepono. Nakakanerbyos ang eksena dahil nagkaroon na ng pagkakataon si Nimfa na maisahan si Rosette pero palpak ang gamit niyang cellphone.

#CHINIKKI, hiwalay na

Sa Pepito Manaloto ngayon, nilibre nina Pepito at Elsa ang barkada nina Chito at Nikki dahil nag-viral at umabot na sa 1 milyon ang nakapanood ng video ng #chinikki. Mukhang sikat na nga ang dalawa dahil nagpapa-picture sa kanila ang mga tao, at isa na rito si Joy, ang waitress sa Black Sapphire, ang bar na dating binisita ni Chito kasama sina Eric.

Nang magselos si Nikki, nakaisip naman ng gimmick si Roxy. Pinost niya ang vi­deo nina Chito at Nikki na nag-aaway, nilagyan pa ng hashtag na #chinikkinomore!  Su­ma­ma ang loob nina Chito at Nikki at lumaki ang away nila. Na-guilty tuloy si Roxy. Pero nang ipagbati niya ang dalawa, nag-break sila! Ano ang puwedeng gawin ni Roxy para magkabalikan ang mga best friend niya?