Una sa Balita

Krimen sa Metro bumaba

0 284

BUMABA ng 6.12 porsiyanto ang crime rate sa Metro Manila noong 2019 ayon sa ulat ­kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. ­General Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, kumpara sa 51,322 ­bilang ng krimen noong 2018, bumaba ito sa 48,182 noong 2019.

“Kung makikita niyo ‘yung crime na-reduce,,” pahayag ni Sinas sa isina­gawang press ­briefing.

Partikular na bumaba ay ang index crime sa Metro Manila na ­nagtala ng 7.55 porsyentong pagbaba matapos uma­bot lang sa 12,695 ang naitalang krimen noong 2019 kumpara sa 13,732 krimen nitong nakaraang taon.

Ang tinatawag na ­index crime ay ang mga ­krimen na ­kinabibila­ngan ng murder, homicide, physical injury, robbery, rape, theft at carjacking.

Ang murder ay bu­maba ng 14.09 por­syento matapos na magtala ng 745 na kaso ng nakaraang taon ay bumaba ito sa 640 kaso ngayong taon, habang ang homicide ay malaki ang ibinaba na umabot sa 30.40 porsyento, mula 273 noong 2018 ay ­umabot na lang ito sa 190 noong 2019.

Bumaba rin ang kaso ng physical injury ng 7.51 porsyento ganun din ang rape na nagtala lang ng 2.91 porsyentong pagbaba. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More