Una sa Balita

Kraken tinigpas ang leeg ng Magnolia

By
0 1,496

ALRIGHT, nadale na nga ng San Miguel Beer ang makasaysayang 4-peat sa All-Filipino Conference sa PBA.

Pero siyempre, hindi naging madali at kinaila­ngan pa ng Beermen ang double overtime 108-99 na panalo sa Game 5 ng Philippine Cup best-of-seven title playoffs nila ng Magnolia Ang Pambansang Manok.

Tulad ng ipinangako ng 6’10” na si June Mar Fajardo noong Miyerkoles matapos na nilang makuha ang 3-1 advantage sa serye, gagawin niya ang lahat para kunin ang titulo.

Hindi nagkabula at kahit na tinambakan pa ang Beermen 48-71 sa third quarter halos mag-isang binalikat ng 4-time MVP na si Fajardo ang kanyang team sa double overtime victory.

Kung tawagin ang ginawa ni Kraken sa Game 5 ay “monster game” dahil sa kanyang 42 points at 20 rebounds, 14 points sa fourth quarter at 8 points sa second overtime. Bale 53 minutong naglaro si Fajardo.

Sa pakikipag-usap ng Isport Lang kay Marc Pingri­s matapos ang Game 4 noong Miyerkoles, “Sa tingin ko sa ngayon walang sinumang player sa PBA ang makaka-stop kay June Mar.”

Sa ipinakitang performance ni Kraken, pinatunayan lamang niya na tama si Pingris na hindi na ikinagulat ni Coach Leo Austria.

“Ever since pa tina­tanong namin siya kung mananalo kami, sabi niya 00 mananalo tayo and that’s the sign he wants the championship,” kuwento ni ­Austria.

Sa katatapos na championship playoffs nag-average ang Conference MVP na si Fajardo ng 24.4 points, 16.2 rebounds, 2 assists at 2 blocks.

Matapos ang sagupaan, inamin ni Fajardo na emosyonal siya.

“Hindi kasi namin inakala na makakabawi at makuha namin ang panalo at biniyayaan naman kami,” sabi ni Fajardo.
Si Fajardo ang may hawak ng record na anim na Player of the Conference awards at huwag lang magkaroon ng malalang injury nanganganib na burahin niya ang 4-time MVP record nina Mon Fernandez at Alvin Patrimonio.
Ito rin ang ikaanim na championship ng Beermen sa loob ng 10 conferences at masasabing pinakadominanteng koponan sa nakalipas na isang dekada.

Sa kabuuan, 25 kampeonato na ang na­sa bulsa ng San Miguel.