Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kouame, Gilas reresbak sa India

0 200

SASANDIGAN ni National coach Vincent “Chot” Reyes ang pitong propesyonal at walong miyembro sa Gilas cadet kontra India ngayong Biyernes sa February window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa bubble format sa Smart Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Pilipinas sa nakatakda nitong ikalawang laro sa torneo ganap na alas-3 ngayong hapon ang India matapos na makansela ang una sa dalawang laro nitong laban kontra karibal na Korea, Huwebes.

“We’re keeping the preparation up and our minds on the task at hand. That’s just as important. It doesn’t matter who we’re playing,” sabi ni Chot.

Paparada sa Gilas sina Ange Kouame, at Gilas cadets na sina Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, Lebron Lopez, Will Navarro, Jaydee Tungcab at Tzaddy Rangel sa 15-kataong koponan na nakatakda din sagupain ang New Zealand sa Linggo sa ganap na alas-7 ng gabi.

Kabilang din sa Gilas sina Troy Rosario, RR Pogoy, Robert Bolick, Kelly Williams, Gab Banal, Poy Erram at Kib Montalbo.

Bitbit ng Gilas ang all-time record na 18-4 win-loss sa head-to-head kontra sa India bagaman ang huli ang namayani sa kanilang paghaharap sa 2016 FIBA sia Challenge sa Tehran, Iran.

Itinala ng India ang 91-83 panalo sa preliminary round sa pangunguna ni Amjyot Singh na nagtala ng 24 puntos at 18 rebounds upang gulantangin ang Gilas. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.