Una sa Balita

Kouame, Ateneo sinibat ang Tams

0 349

HINDI nagpaawat si Ange Kouame at ang Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles laban sa Far Eastern University (FEU) Tamaraws, 65-55, sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena.

Sinakmal ng Blue Eagles ang malinis na 11-0 panalo-talo record sa pamumuno ni Kouame na may rumatsada ng 10 points, 15 rebounds, apat na blocks at isang assist.

Angat pa ang Tamarawas, 42-29 sa third quarter ngunit papasok ng payoff period ay umalagwa na ang Blue Eagles para kunin ang unahan, 49-47.

“You prefer to make tactical adjustments rather than emotional adjustments and in halftime we had to do both. But we did. And the guys they became who we believe who we are in the second half,” pahayag ni Ateneo head coach Tab Baldwin.

Nag-ambag sina Thirdy Ravena ng 10 points, Paat Maagdenberg (9 points) at Will Navarro at Adrian Wong na may tig-walong puntos.

Samantala, bitin ang 12 points ni LJ Gonzales, tig-walong puntos nina Rey Bienes at Wendell Comboy at anim na puntos ni Ken Tuffin ng FEU na may record na 5-6.

Sa unang sigwada, namuno si Justine Baltazar sa 65-59 panalo ng De La Salle University (DLSU) Green Archers kontra University of the East (UE) Red Warriors.

Double-double performance si Baltazar na may 23 points at 11 rebounds, sinahugan pa ng tatlong assists para sa 5-5 record ng koponan.

Sa huling laban, sinakmal nina Sherwin Concepcion at ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers, 84-78, ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons.

Sampa sa 6-5 ang UST habang bahagyang nalaglag sa 6-4 marka ang UP.

Pinangunahan ni Concepcion ang Espana-based squad sa pagtala ng 16 points, limang rebounds at isang assist habang may double-double naman si Soulemane Chabi Yo na 14 points at 10 rebounds. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy