Una sa Balita

Kouame, Ateneo nilapa ang NU

0 221

Tumuka si Angelo Kouame ng 15 points, 13 rebounds, 7 blocks, 3 assists at 2 steals upang akayin ang Ateneo Blue Eagles sa pagdagit sa Nat’l U Bulldogs, 71-50, at dumeretso sa limang pananalasa sa 82nd UAAP seniors basketball 1st round elims Linggo ng hapon sa Ynares Center, Antipolo.

Dinomina ng ADMU at NU para mapanatili ang imakuladang marka sa pag-iisa sa liderato sa walong eskuwelahang liga at pinagulong ang biktima sa 0-5 para manatiling team na ‘di pa pinapalad sa torneo.

Sa huling yugto, lumubo ng hanggang 25 puntos ang kalamangan ng Blue Eagles, 65-40, mula jumper ni Adrian Wong, may apat na minuto ang natitira sa gameclock.

“We’re happy to get that win under our belts,” sabi ni Tab Baldwin. “Our coaching staff, I should say, my assistant coaches, know coach Jamike (Jarin) so well and you know, they kept warning me, ‘He’s gonna come out with something different, something unusual.” and he did.”

Hinirit ng Ateneo coach, “Our field goal percentage doesn’t flatter our play really at 40 percent. It’s something we need to continue to work on. Our defense is doing a good job. It’s generating turnovers and converting those into easy points on the fastbreak.”

Katuwang sa panalo sina Gian Mamuyac na may 13 markers, 3 board, 1 dime at at stl., at Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III na may walong puntos, pitong rebounds at isang feed.

Tanging si Dave Ildefonso lang sa panig ng NU ang may dobleng pigura, 10 puntos, kalakip ang tatlong rebounds at isang para.

Humarurot naman si Soulemane Chabi Yo ng 23 points sa likod ng 8-of-13 field goal, na may rekadong 15 rebounds para maitumba ng Sto Tomas Growling Tigers (4-2) ang Far Eastern Tamaraws (2-3), 82-74. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy