Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kotse sumalpok sa puno, 2 dedbol

0 169

Patay ang dalawa katao habang sugatan ang lima pa matapos sumalpok sa puno ang sinasakyan nilang kotse nitong Lunes sa Sanchez Mira, Cagayan.

Sa ulat ng pulisya kahapon, kinilala ang mga nasawi na sina Demi Mar Sadoy at Mark Gil Manantan.

Papunta sana ng bayan ng Claveria ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Batay naman sa inisyal na imbestigasyon, posibleng nagkaroon ng problema sa makina o nagkamali ang tsuper ng kotse kaya ito bumangga sa mga puno na nasa gilid ng kalsada.

Bukod dito, posible rin umanong nakaapekto ang madulas na kalsada bunsod ng pag-ulan sa lugar. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.