Una sa Balita

Kotse ni young actor V-day gift ni super yaman na celebrity

By
0 7,815

Happy Valentine’s Day! Tiyak na masaya ang V-day ngayon ng isang young actor dahil balitang kade-deliver lang ng bagong unit ng kotse nito. At hindi ito basta car ha, dahil bukod sa isa ito sa top of the line, cash umano itong binayaran ni young actor.

Hindi naman marahil nakakagulat ‘yun dahil naging very visible si young actor sa mga TV show niya at halos every weekend nga ay may mga provincial sorties ito.

Pero kuwento ng aming ka-chismacker, “Just wondering. Last December lang kasi, ibinalita niyang nakalipat na sila sa bagong bili niyang bahay for his family. Tapos, bago matapos ang 2017, sumama siyang maging investor ng isang restaurant business na pag-aari ng isang sikat na sikat na TV host. Ang dami-dami niyang pera.”

Hindi naman daw bidang-bida si young actor sa mga project niya at kung susumahin umano ang mga naiipon niyang TF sa mga out-of-town show niya, marahil day aabot ng kalahating taon bago niya ma-afford bumili ng cash on hand ng mga top of the line brands/products. Eh nasa second month of the year pa lang daw tayo?

Could it be true na tuluyan na niyang tinanggap ang ‘offer’ para maging ‘jowa’ ng isang super sikat at super yaman na celebrity na noon pa ‘hot na hot’ sa kanya at balitang may reputasyong ‘name your price’ para lang patulan siya?

Or baka naman tumama sa lotto si young actor nang hindi natin alam or baka din namamali lang tayo sa ‘math’ para kuwentahin nang tama ang earnings niya hahahaha!

Nathalie wagas ang lampungan kay Xian

Bata, pogi at matalino ang director ng Sin Island na si Gino Santos. At home na at home si Coleen Garcia with Direk Gino dahil ito raw ang unang direktor na ginawa siyang komportable sa pagpapasabog ng kaseksihan sa film.

Pero this time, karibal na nga niya si Nathalie Hart na walang kiyeme sa paghuhubad at pakikipaglampungan ng wagas kay Xian Lim. Base rin sa reaksiyon ng mga nakapanood ng premiere night nito, papalakpakan mo ang movie dahil wala raw itong pretensyon.

Ngayong Valentine’s day ang opening day nito kaya kung adult film na local na mukhang imported ang hanap at trip ninyong marinig ang mga ungol at halinghing nina Xian, Nathalie at Coleen, sa Sin Island na kayo!