Una sa Balita

Kotse ni Cong. Edcel Lagman hinatak sa illegal parking

By
0 592

HINATAK ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sasakyan na pag-aari ng isang kongresista matapos na maispatang iligal na nakaparada sa kahabaan ng Scout Borromeo sa Quezon City kahapon.

Ang sasakyang Hyundai Tucson na may plakang ‘8’ ay pag-aari ni Albay Representative Edcel Lagman, at ginamit lamang ng anak nitong nakilala lamang sa pangalang ‘TJ’.

Ayon naman kay TJ, isinama niya ang kanyang driver sa condo unit sa Scout Borromeo, at hindi umano niya nasabi rito na huwag iparada lamang sa kalye sa nasabing lugar.

Sa kabila nito ay tiniketan pa rin ng MMDA traffic enforcer ang anak ni Lagman at pinagmumulta ng halagang P2,500.

Nabatid sa MMDA na patuloy ang kanilang isinasagawang ‘clearing operations’ at wala silang sisinuhin, elected o government official man ang plaka ng sasakyan kung ito naman ay naka­kasagabal at iligal na nakaparada sa daan.

Si Lagman ay kila­lang Filipino human rights lawyer at nahalal bilang kongresista sa lalawigan ng Albay. Siya ay nagsilbi bilang Minority Floor Leader sa House of Representatives hanggang 2012.

Siya ang principal author ng Reproductive Health, SOGIE Equality bill, Free Tertiary Education Act, Anti-Dynasty Bill at Freedom of Information Bill.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy