Una sa Balita

Kotongerong pulis-NAIA walang kawala sa entrapment

By
ARESTADO ang dalawang miyembro ng Airport Police Department (APD) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang ikasa ng Counter Intelligence Task Force (CITF) ang entrapment operations dahil sa pa­ngongotong sa mga taxi driver sa pangunahing paliparan sa bansa kamakalawa ng gabi.
0 1,131

Kinilala ang dala­wang airport police na sina PO1 Pablo P. Atayde Jr. at PO1 Danilo Levite Jr. na sangkot sa pangongotong sa mga driver ng taxi na nagsasakay ng pasahero sa NAIA Terminal 2.

Nadakip sina Atayde at Levite sa aktong tumatanggap ng marked money mula sa mga tauhan ng CITF na nagpanggap bilang taxi driver.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ang PNP-CITF ng text messages mula sa isang concerned citizen kaugnay sa iligal na gawain ng dalawang pulis.

Nasa kostudiya na ngayon ng CITF ang dalawang suspek na pulis at dinala sa Camp Crame para sumailalim sa imbestigasyon.