Una sa Balita

Kotong cops ng Makati Police, kinasuhan na

By
0 4

Pormal nang sinampahan ng kasong admi­nistratibo ng ­Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang apat na ­pulis Makati at isang ­pulis Maynila na ­naaresto ng mga operatiba ng Counter-­Intelligence Task Force (CITF) sa dalawang magkahiwalay na operasyon.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, target nilang maglabas ng isang resolusyon at rekomendasyon bago matapos ang buwan ng Hunyo sa kaugnay na kaso.

Binigyan lamang anila ng isang araw para sumagot o magsumite ng kanilang counter affidavit ang mga respondents.

Matapos ­manumpa ang mga arresting officer­s sa kanilang affidavit ay agad kinuha ng PNP-IAS ang investigation report para masampahan kaagad ng kaso ang apat na pulis Makati na sina PO2 Harley Garcera, PO2 Clarenc­e Maynes, PO1 Tim Santos at PO1 Jeffrey Caniete habang ang miyembro naman ng Manila’s Finest ay nakilalang si PO1 Efren Guitaring.

Una nang sinampa­han ng robbery extortion at kasong kidnapping ang apat na pulis Makati.

Kasong grave misconduct o improper conduct ang isinampa sa limang mga pulis sa ilalim ng administrative cases habang kasaluku­yang nakakulong sa detention facility ng CITF sa kampo Crame.

Sinabi pa ni Triambulo, ang penalty sa kasong grave misconduct ay forfeiture of benefits at iba pa.

Dagdag pa ni Triambulo na bukod sa limang nabanggit na kotong cops, tinapos na rin ng IAS ang imbestigasyon sa alegasyon ng tanim droga ni Engr. Wilgelmo Galura laban sa ilang mga pulis sa Pampanga.

Bukas araw ng Lunes, isasampa na ang admi­nistrative case ng PNP-IAS laban sa mga pulis sa Pampanga na sangkot sa tanim-droga.