Una sa Balita

Korona sa Egypt susungkitin ng Pinay

By
0 3,281

Humihingi na ng tips si Cynthia Thomalla kay Teresita Marquez (Winwyn) sa nalalapit niyang paglaban sa Miss Eco International na gaganapin sa Egypt ngayong April 10.

“She really knows what to say and she knows the right tips to give,” say ni Cynthia nang makausap namin sa shoot ng commercial ng Yazz Prepaid Card ng Metrobank Card Corporation para sa digital platform ng produkto.

“She told us naman to be yourself and just enjoy. Kasi it’s just a one in a lifetime experience. Be humble and be yourself and just do everything you can,” dagdag ni Cynthia.

Hindi na nga raw siya makatulog dahil sa excitement. “Pero may two months pa ako to prepare! Ha! Ha! Ha!” saad pa ng bet natin.

Bukod sa pagiging beauty queen, nakapirma na rin si Cynthia sa Regal Entertainment para maka­gawa ng pelikula.

“If ever I win, I will help the organization for one year. If I don’t, may be I will try acting. It depends. Will see,” sey pa niya.

Pagdating sa choice ng leading man, ipamamahala na lang niya ito sa Regal. Kasama niya sa shoot na ‘yon sina Markx Topacio at John Spainhour.