Una sa Balita

Korona pipiliting idepensa nina Lowry, Ibaka, Raptors

0 336

Key Players: Kyle Lowry, Pascal Siakam, Serge Ibaka, Marc Gasol, Fred VanVleet

Roster: Norman Powell, OG Anunoby, Malcolm Miller, Chris Boucher, Patrick McCaw

Key Additions: Dewan Hernandez (59th overall pick in 2019 Draft), Oshae Brissett, Terence Davis, Nando Colo, Rondae Hollis-Jefferson, Stanley Johnson, Matt Thomas

Rank: 2nd

Last Season’s Record: 58-24

Playoffs: Champion (won 4-2 against Golden Stae Warriors)

Head Coach: Nick Nurse

WALA na ang kanilang main man, ang kanilang top scorer, ang kanilang puso, ang kanilang Finals MVP.

Wala na si Kawhi Leonard.

Idagdag pa sa pagkawala ni Leonard ang paglayas na rin ni sharp shooter Danny Green.

Sa kabila nito, mananatiling palaban ang defending champions Toronto Raptors, na gagabayan na ngayon nina Kyle Lowry, Pascal Siakam, Serge Ibaka, Fred VanVleet at Marc Gasol.

Pumangalawa lang sa eliminations ang Raptors noong nakaraang regular season sa likod ng Milwaukee Bucks.

Pero sa playoffs ay pinadapa ng Raptors ang Orlando Magic (4-1), Philadelphia 76ers (4-3) at Milwaukee Bucks (4-2) bago nakatungtong sa Finals kontra Golden State Warriors.

Anim na laban ang kinailangan ng Raptors para mabuwag ang dinastiya ng Warriors at kunin ang unang korona.

Aasahan ngayon season ang pamumuno nina Lowry na nagtala ng 14.2 points per game, 4.8 rebounds at 8.7 assists at Siakam na may 16.9 points, 6.9 rebounds at 3.1 assists noong nakaraang season.

Malaking tulong rin ang maibibigay nina Ibaka na nagtala ng 15.0 points per game, 8.1 rebounds at 1.3 assists, VanVleet na may 11.0 ppg, 2.6 rpg, at 4.8 apg, at Gasol na nagtala ng 9.1 ppg, 6.6rpg at 3.9 apg.

Bilang mga reigning champion at isa sa mga consistent na team sa liga, umasa na muling raragasa ang Toronto Raptors ngayong season. (Janiel Abby Toralba

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy