Una sa Balita

Korona naidepensa ng Lady Chiefs 3-PEAT!

By
0 314

APAT na sets ang kinailangan ng Arellano University Lady Chiefs upang payukuin ang Perpetual Help Lady Altas 22-25, 25-15, 25-18, 25-18 sa do-or-die Game 3 at sikwatin ang korona sa 94th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Naghabol ng tatlong puntos ang Lady Altas sa fourth set 8-11 pero hinataw nila ang limang sunod na puntos upang maagaw ang unahan 13-11.

Subalit naging matatag ang Lady Chiefs, humarurot para makuha muli ang bentahe 20-13 at hablutin ang three-peat at ikaapat na korona sa huling limang seasons.

Pinatunayan ni Necole Ebuen na karapat-dapat siya sa nasilong Most Valuable Player (MVP) award matapos makipagtulu­ngan kay Regine Arocha para makuha ang inaasam na titulo.

“Tumatak sa isip ko pagtanggap ko sa award na ‘yun (MVP) na ipapakita ko pa po ang best ko para patunayan ko na deserve ko,” saad ni Ebuen.

Hinirang naman na Finals MVP si Arocha.

Nagwagi ang Lady Altas sa Game 1 kaya naman namuro sila sa pagsungkit sa inaasam na sweep sa volleyball event, pero umahon ang Lady Chiefs at hinataw ang dalawang natitirang laro.
Kampeon ang men’s at juniors team ng Perpetual Help. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy