Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Korona na lang kulang: Kisses pinarada alindog, abs sa Twitter

0 17

Daming nagulantang kay Kisses Delavin dahil sa video na lumabas na pinakilala niya ang sarili bilang Miss Masbate, na kandidata sa Miss Universe Philippines 2021.

Promo rin `yon ni Kisses para sa launching ng RedFox Labs.

Nagulantang ang lahat dahil sa bagong itsura ni Kisses. Ang layo na nga raw sa Kisses na baby pa ang dating.

Halata at ramdam mo na pinaghandaan talaga ni Kisses ang pagsali sa Miss Universe Philippines. Kitang-kita `yon sa kanyang katawan, na ubod ng seksi, ha!

Lutang na lutang nga ang ‘abs’ ni Kisses, na kinumpara pa kay Dua Lipa.

Puring-puri si Kisses ng mga follower niya dahil sa maganda, malaking transformation niya para lang sa pangarap na maging beauty queen.

“Ito talaga ang babae na hindi basata-basta nagpapakita ng katawan, but when she does, everyone will be amazed. Best girl ever!” sabi ni Chinita.

“One kilo shrimp pa naman ang ulam now, at nagsaing ako ng half kilo rice. Then yung abs mo Kisses nagpapaalala na wag kumain ng marami. Hahaha!” say ni Lorifo.

“Yes it proves how she worked hard in this journey. Grabe determination nakaka-inspire at na-teary eyed ako bigla,” saad ni AKiss.

“May pa-abs ang kween. Wow, di ko kinaya ang abs. Ang ganda mo Kisses koronahan na ‘yan!” sabi pa ng ibang fan.

“Ang ganda mo Kisses, ang seksi mo, ang husay mong magsalita, korona na lang ang kulang sa iyo!” saad ni Dooday P.

Well, abangan ang kapalaran ni Kisses sa daigdig ng beauty pageant ngayong Setyembre. Mauwi kaya ni Kisses ang inaasam na korona? Abangan! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.