Una sa Balita

Korona laging kasunod ng BPC ni Fajardo

0 250

NAKAKA-ANIM na Best Player of the Conference (BPC) award na sa PBA Phi­lippine Cup si June Mar Fajardo.

Tuwing sinisikwat ng 6-foot-10 giant ang BPC award sa all-Filipino, nagka-kampeon ang San Miguel Beer – ma­liban sa isa.

Noong 2014, Best Player of the Conference din si Fajardo pero hindi umabot sa finals ang team na noon ay dala pa ang Petron.

Record ang six BPC awards sa all-Filipino, PBA record din ang walong tinuhog ng Cebuano kabilang ang sa 2015 Governors Cup at 2018 Commissioner’s Cup.

Lucky charm?
Ang SMB, 5-0 sa mga laro pagkatapos itaas ni Fajardo ang BPC award sa Philippine Cup. Ibi­nibigay ang pagkilala bago ang tipoff ng Game 4 ng Finals.

Taong 2015, tinalo ng San Miguel ang Alaska 88-70 para itabla ang series bago kinubra ang titulo sa pitong laro.

Sumunod na taon, naiiwan ang Beermen sa series 0-3 kontra Aces din pero bago ang Game 4, tinanggap ni Fajardo ang award at nanalo ang team 110-104. Injured ang tuhod ni Fajardo noon at hindi naglaro sa first three.

Tinuhog pagkatapos ng SMB ang sumunod pang tatlo, kinumpleto ang reverse-sweep na tinawag na “Beeracle”.(Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy