Una sa Balita

Korona ‘di maidedepensa ni Huelgas

0 221

Hindi maipagtatanggol ni Nikko Bryan Huelgas ang kanyang dalawang sunod na naiuwing gintong medalya sa kada dalawang taong Southeast Asian Games Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ay base sa inihayag ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tom Carrasco sa mga bubuo sa mga pambansang atleta na sasabak sa anim na event sa gaganapin na SEA Games triathlon at duathlon events.

Nakasaad sa listahan ng SEA Games Duathlon at Triathlon member na nakatakdang isabak sa Triathlon – Individual Male event sina Kim Remolino at John Chicano habang sa Female event ay sina Kim Mangrobang at Kim Kilgroe.

“The two chosen are the best today,” sabi lamang ni Carrasco.

Ang men’s Mixed Team relay ay binubuo naman nina John Chicano, Fer Casares at ang 2015 at 2017 gold medalist na si Nikko Huelgas habang ang kababaihan ay sina Kim Mangrobang, Kim Kilgroe at Claire Adorna.

Sasabak naman sa Duahtlon Individual Male sina Doy Commendador at Jarwyn Banatao habang sa Female ay sina Monica Torres at Jelsie Sabado. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy