Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Koreanong nanggoyo sa Telco arestado

0 54

Isang Koreano na wanted sa Seoul ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pandaraya sa telecom.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang 47-anyos na si Kim Tae Ho ay dinampot ng mga miyembro ng fugitive search unit (FSU) sa bisa ng isang mission order sa kanyang bahay sa Novaliches, Quezon City nitong Miyerkoles.

“The South Korean government informed us about his presence in the country and requested that he be deported due to the fraud charges that were filed against him in his country,” anang BI chief.

Maari nang mapalayas anumang oras ang dayuhan dahil sa kawalan ng mga dokumento matapos bawiin ng gobyerno ng Korea ang kanyang pasaporte.

Si Kim ay may warrant of arrest mula sa Gwangju District Court sa Korea.
Siya ay sinasabing miyembro ng isang sindikato na nanloko sa mga biktima nito ng voice phishing na ginagawa kung saan ang mga suspek ay ginagaya ang isang bank teller at inaakit ang mga biktima na ideposito ang kanilang pera, na ipinagpapalit umano sa mga pautang na makukuha nila sa napakababang interes. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.