Una sa Balita

Koreano niluwa ng Manila Bay

0 261

Namamaga at natatanggal na ang balat sa katawan ng 62-anyos na Korean national na niluwa ng Manila Bay sa bahagi ng Roxas Boulevard corner Quirino Avenue, Malate, kahapon nang madaling-araw.

Ayon kay Patrolman Mark Anthony Gonzalo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay tinukoy na si Lee Chung Wook, na nakilala dahil sa mga nakuhang identification (ID) card sa kanya.
Sinabi ni Gonzalo, may indikasyon na mahi­git 24 na oras nang nakababad sa tubig ang biktima.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:28 nang mada­ling-araw nang mamataan ang biktima na nakalutang sa baybaying dagat sa nabanggit na lugar, nina Irenio Marstre at Nasser Domingo.

Kaagad na pinaalam ng dalawa kina PO1 Elmar Agasid at ASN Joven Gregorio ng Philippine Coast Guard na siyang sumilip sa biktima.

Nakakuha rin ng ID na nagsasaad na Canadian citizen ang biktima na nakasuot ng maong na pantalon at itim na T-shirt.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.
Ayon kay Gonzalo, hindi na nila madetermina kung may sugat ang biktima dahil natatanggal na ang balat nito sa katawan. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More