Una sa Balita

Koreano na nagpanggap na Pinoy laglag sa NAIA

By
0 408

HINDI nagawang malusutan ang Bureau of Immig­ration (BI) ng isang overstaying Korean national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos tangkaing umalis ng bansa sa pamamagitan nang pagpapanggap bilang isang Pilipino.

Kinilala ang Koreano na si Kwak Dong Hee, 26, na nahuli noong Disyembre 28 sa departure area ng NAIA Terminal 3 habang pasakay ng Cebu Pacific flight papuntang Saigon, Vietnam.

Si Kwak ay nag-Bagong Taon sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang nakabin­bin ang kanyang deportation proceedings.

Ayon sa ulat, ginamit ni Kwak ang pangalan ng isang Erik Nacis, na ipinanganak sa isang Koreano at isang Pinay sa Meycauayan, Bulacan noong 1992.

Gayunpaman, naghinala na ang Immigration matapos hindi ito makapagsalita ng Pilipino at hirap makapagsalita ng anumang local dialect.

“It was during questioning that he admitted his true identity as a Korean citizen and that the Philip­pine passport he presented is fraudulently-acquired,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.

Sa ginawang interogasyon ng BI Travel Control and Enforcement Unit, umamin si Kwak na ang kanyang mga magulang ay mga Koreano at iligal niyang nakuha ang kanyang Philippine passport sa halagang mahigit P120,000 sa isa niyang kasamahan sa Pilipinas.

Tumanggi si Kwak na ibunyag kung sino ang nagproseso at kung saan kinuha ang birth certificate na nakuha sa kanya.