Una sa Balita

Koreano huli sa Angeles City drug den

0 308

Nabuwag ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den matapos maaresto ang isang Koreano at apat na Pilipino sa buy-bust operation sa sa Angeles City kahapon nang madaling-araw.

Nakilala ang mga naaresto na sina Suh Jun Hong, 44-anyos; Reynon Rodriguez, 36; Michael Balberan, 40; Patrick Nepomuceno, 28 at Maria Ramos, 28.

Ang mga nadakip ay kasalukuyang nasa pot session ng salakayin ng mga ahente ng PDEA ang nasabing drug den sa Carmelia St., 24-40 Timog Park Subd., Angeles City.

Napagalaman na inuupahan ng naarestong Korea-no ang bahay sa naturang subdivision at ginawang drug den para sa kanyang mga parukyano.

Iba’t ibang uri ng illegal at party drugs ang nasamsam ng raiding team kabilang ang 15 gramo ng shabu, limang transparent plastic sachet ng colored tablet at dalawang transparent plastic ng Kush, isang uri ng synthetic marijuana.

Nasamsam din ng mga awtoridad ang maraming klase ng drug paraphernalia at isang pulang Mistubishi Adventure SUV (VDU-506).

Nakakulong ngayon sa piitan ng PDEA Central Office sa City of San Fernando matapos sampahan ang mga ito ng kaukulang kaso sa paglabag ng R.A. 9165. (Rudy Abular)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy