Una sa Balita

Korean vs Japanese

0 189

AYOS BA?
Carlito Evangelista

Hindi gaya ng dati na halos isa, dalawa o tatlong brands lamang ng sasak­yan ang gumagala sa mga kalye sa ‘Pinas, ngayon ay literal na tila naging rekado na ito ng halo-halo sa dami na nila.

Hindi na masasabi ng mga gawang Hapon na do­minado pa nila ang mga kalye sa bansa lalo na sa Metro Manila dahil nga­yon ay nagkalat na rin ang mga gawang Korea, Thailand at Tsina.

Parang naubos na ang paghanga ng mga Pinoy sa American cars dahil parang upos nang napupudpod ang mga orihinal na yari ng Ford at Chevrolet, maliban lamang sa mga variant na may ka-tie up sila sa ibang Asian brand gaya nga ng Ford na na­ging Ford-Mazda.

Pero sa simpleng sulyap­ lamang, makikita nang Japa­nese vs Korean ang lakaran ngayon sa kalye lalo na kung pagbabatayan ang mga sasakyan na gawa ng Toyota at Hyundai.

Ito na rin ang ginagamit na batayan ng mga nag-iisip na bumili ng sasakyan lalo na yaong may mga sapat namang badyet para sa dalawang brand lamang na ito pumili.

Marami-rami na rin akong namanehong Japanese at Korean made na mga sasakyan bilang isang dating nag-umpisa sa pagbili ng segunda-manong sasak­yan hanggang sa makaipon at makapagbrand new na.

Kung sa brand new at ang porma lamang ang ti­tingnan, panalo sa mata ang Hyundai vs Toyota lalo na kung SUV at compact cars ang pagbabatayan (eto yung Fortuner vs Sta Fe at Vios/Yaris vs Accent).

Mas matulin at mas maraming accessories ang mga nabanggit na produkto ng Korea vs sa inihalintulad na mga gawa ng Toyota.

Pero habang nagkakaedad, mas mabilis na buma­ba ang resale value ng Hyundai kumpara sa Toyota dahil mas mataas na ang maintenance cost ng una, gawa ng mas mahal na piyesa na kadalasan ay assembly (buo) binebenta.

Mas marami ring mekanikong tabi-tabi lang ang nakakakabisa ng mga sakit ng mga gawang Hapon kumpara sa mga inangkat mula sa Korea.

Kaya sa usapin ng Korean­ vs Japanese, dapat siguro munang masagot ng maa­yos ang tanong na “alin ang mas sirain?”
Ayos ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy