Una sa Balita

Korean superstar Seo Kang Joon certified Kapuso!

0 388

Nagbabalik ang Kapuso oppa na si Seo Kang Joon para paki­ligin muli ang Fili­pino vie­wers! Ang Korean superstar na ito ang bi­bida sa “Are You Human?” na handog ng GMA Heart of Asia.

Balita namin, may grand welcome ang fans at ang GMA-7 para sa kanya ngayong linggo!

Matatandaang si Seo Kang Joon din ang isa sa mga bida ng “Cheese in the Trap” na ipinalabas sa Kapuso network noong 2018.

Malapit na ang pagbabalik ng award-winning Kapuso “android oppa” sa TV kaya aba­ngan ang “Are You Human?” sa GMA simula May 27, pagtapos ng “Love You Two” sa GMA Telebabad.

Samantala, bibisita rin si Seo Kang Joon sa Pilipinas ngayong May 25 para sa isang fan meet sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
Exciting! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy