Una sa Balita

Korean star kinulit: Ryan Bang binatikos ng mga netizen

0 812

Dahil lang sa pangungulit nito sa isang sikat na Korean star at sa pagju-joke niya ng ini-endorsong brand ng isang local cake, kinastigo ng ilang netizen ang “It’s Showtime” host.

Sa live feed ng Korean star na si Alice, nag-comment ng kung anu-ano sa tagalog si Ryan Bang. Sa isang comment ng kanyang mga follower ini-screenshot ang pangungulit nito kay Alice at ang pagbanggit nito sa fudgee bar.

Hindi nagustuhan ng mga fan ng Korean singer ang ginawa ni Ryan kaya na-bash ito. Panay ang sorry ni Ryan sa kanyang tweet at nilinaw nitong walang anumang kahulugan ang ginawa niya.

Ayon pa kay Ryan mahal ng singer ang Pilipinas kaya niya ito nagustuhan at naging fan siya nito.

May iba naman na pinatawad si Ryan, at sinabihang piliin ang pangungulit nito sa mga tao. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More