Una sa Balita

Korean Embassy kinalampag sa basura

By
0 236

KINALAMPAG ng isang environmental group ang tanggapan ng Korean Embassy sa Taguig City para tiyaking bago mag-Pasko ay nakuha na ang kanilang basura na itinapon sa Pilipinas.

Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng Ecowaste Coalition na Nobyembre 21 pa nang sabihin ng Korean government na ibabalik sa kanila ang basura ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin aksyon.

Wala umanong dahilan para ma-delay pa ang pagkuha sa may 5,100 metric tons ng basura lalo at gobyerno ng Korea ang siyang mangangasiwa nito.

Una nang sinabi ni Korean Minis­ter Counselor Kim Sunyoung na kanilang aasikasuhin ang pagpapa­balik sa kanilang bansa ng nasabing basura matapos lumabas sa kanilang imbestigasyon na hindi idineklara ang totoong laman ng kargamento.

Malinaw umano na false declaration ang ginawa ng kompanyang Verde Soko ll Industrial Corporation na mayroong waste recycling facility sa Phividec Industrial Estate sa Tagoloan, Misamis Oriental nang sabihin nito na mga plastic flake ang laman ng kargamento ngunit nang buksan ay mga ha­zardous material ang laman nito.

Nabatid na ang nasabing shipment ay dumating sa Mindanao Container Terminal noong Hulyo 21 sakay ng MV Affluent Ocean.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy