Una sa Balita

‘Korean curse’ babasagin ni Guiao, PH 5

By
0 1,224

Mahaba-haba na rin ang itinakbo ng karibalan ng Pilipinas at Korea sa basketball. 

Sa Asian Games na lang, matagal nang kontrapelo ng mga ­Filipino ang Korea. 

Noong 1986 Asiad sa Seoul, nadiskaril ang abot-kamay nang tiket ng Pilipinas para gold medal match kontra China dahil sa kontro­bersiyal na charging foul na itinawag kay Triggerman Allan Cai­dic. Siyempre pa, ­panalo ang Korea.

 
Sa 2002 edition ng quadrennial meet sa Busan, buong larong inaalat sa labas ng arc si Korean sharpshooter Lee Sang Min, pero sa dying seconds ay pumasok ang nag-iisang 3-pointer niya sa laro at nasilat ang Nationals na giniyahan noon ni coach Jong Uchico. 

Nabasag ang Korean curse sa 2013 FIBA Asia Championship, parehong nag-qualify ang Korea at Pilipinas. Sa Spain World Cup ng sumunod na taon, nagkrus muli ang landas ng dalawa at sa pa­ngunguna ni TJ Moon ay itinakas ng Korea ang come from behind win kontra Pilipinas. 

Hindi nakaliligtaan ni coach Yeng Guiao ang mga pangyayaring ‘yun. 

Asian Games na naman, at sa Lunes sa ­Jakarta, muling makakasalubong ng Filipinos ang Koreans sa knockout round.

 
Tiwala si Guiao na makikipaglaban nang sabayan ang Natio­nals lalo’t may Jordan ­Clarkson sa roster. 

Galing din ang PH team sa pakikipagpukpukan sa China noon lang Martes, sinagad ang Asian powerhouse bago naisuko ang manipis na 82-80 loss. 

Indikasyon ito na kayang makapasok sa medal round ng ‘Pinas. Pero kailangan munang laktawan ang ­Korea.