Korean actress Kim Hye Jin umeksena sa taping nina Heart-Alexander-Andy 

By

Dumalaw sa set ng top-rating GMA primetime series na My Korean Jagiya ang Korean actress na si Kim Hye Jin para makilala lang si Heart Evangelista.

May instant connection agad sila dahil pareho pala silang mahilig mag-paint. Niregaluhan pa ni Hye Jin si Heart ng isang scarf na kanyang pinintahan.

“We have a lot of things in common. I’m so excited so I hope they’ll go to my house for dinner. I will prepare dinner,” ayon kay Heart.

Si Hye Jin ay Korean model turned actress na na­ging parte sa cast ng Iris at historical drama na Dong Yi na parehong pinalabas sa GMA 7.

Nasa bansa siya nga­yon para bisitahin ang Korean actor na si Andy Ryu na gumaganap sa serye bilang si Gong Woo at makilala na rin ang kanyang co-stars na sina Heart at Alexander Lee na nagsilbi na ring kanilang interpreter.

Kuwento ni Alexander na sinabi ni Andy tungkol sa pagdalaw sa kanya ni Hye Jin, “[He’s] really happy that she [Kim Hye Jin] is visiting him [Andy Ryu] because as a Korean actor, having another Korean to support him in a foreign country really makes him feel good.”

Ayon naman daw kay Hye Jin, “It’s the first time she came here to the set, and she sees Heart for the first time. And she sees that they have many similarities, and also differences from Korea. But she’s really excited about everything in this experience.”

Natuto na rin ng ilang Filipino words si Hye Jin habang nasa set tulad ng Salamat po! at Mahal kita!

Bukod sa kanyang naging pagbisita sa set, magkakasama pa silang nanood ng pelikulang Trip Ubusan sa imbitasyon ni Direk Mark Reyes.

SHARE