Una sa Balita

Korean actor super react sa panggagaya ni Aga

0 427

Nag-react ang bida ng Korean movie na “Miracle in Cell No. 7” na si Ryu Seung Ryong nang malamang may remake ang naturang pelikula sa Pilipinas. Inilabas sa Twitter, Instagram ng Viva Films ang mensahe niya.

“So touched that there will be a Philippine remake,” saad ng Korean actor.

Nang iilabas ng Viva ang teaser ng festival entry nito, ibinahagi rin niya ang teaser sa social media account niya. Sa loob ng 24 hours, 9.5 million views na ang hinamig nito.

Bida sa movie sina Aga Muhlach, Xia Vigor at Bela Padilla.

Ricci Rivero humagulgol sa pagkatalo sa UST

Iniyakan ng UP cager na si Ricci Rivero ang pagkatalo sa do or die game sa UST nu’ng Miyerkoles. Nakuhanan siya ng litrato na umiiyak sa image ni Hesus after ng game.

Nagbunyi naman ang mga celebrity na mula sa UST gaya ng mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho dahil pasok sila sa finals ng UAAP laban sa Ateneo. Kapwa graduates ng UST ang mag-asawa.

Ang alam ko, magsu-showbiz muna si Ricci habang bakasyon pa sa UAAP. Nakagawa na naman siya ng movie, ang “Otlum” last year bago sumabak bilang member ng UP Maroons, huh!

Mas malaki kaya ang kita ng isang bidang artista kesa sa isang collegiate player na allowance lang ang natatanggap.

Rocco nahirapang pakiligin si Miles

No boyfriend since birth si Miles Ocampo kaya naman si Rocco Nacino ang magpapadama sa young actress ng feeling ng isang taong may karelasyon sa festival movie nilang “Write About Love” mula sa TBA Studios.

Sa role ng Kapuso actor, “It involved a lot of internalizing and talking to Miles so that I can piece together her actual of lack of experience when it comes to love,” paliwanag ni Rocco.

Ang volleyball player na si Melissa Gohing ang girlfriend ni Rocco habang si Miles ay hanggang crush lang kina Sam Milby at Zanjoe Marudo ang nararamdaman.

Ang “Write About Love” ang nag-iisang romantic comedy entry ngayong 2019 MMFF at showing ito sa December 25.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy