Korean actor Andy Ryu aliw sa etchoserong frog

By

Nagsilbing interpreter si Ale­xander Lee ni Andy Ryu, co-actor niya sa My Korean Jagiya ng GMA na kapwa kapareha ni Heart Evangelista, nang naging bahagi sila ng Paskong Kapuso 2017 ng GMA sa entertainment press nu’ng Miyerkoles.

Hindi bihasa sa English si Andy kumpara kay Alexander kaya siya ang taga-translate sa Korean ng tanong kay Andy ng hosts ng party na sina Betong at Tetay.

Bagong dating lang si Andy sa bansa na pumapel na third wheel sa series pero si Xander ay ilang buwan na sa bansa.

Kung may alam na gay lingo si Xander, naturuan na rin si Andy ng nasabing salita.

Ipinagmalaki niya ang beki lingo na ‘echoserang frog’ at nakatikim na siya ng Pinoy dishes na sinigang at adobo.

Maging ang pagkain ng balut ay na-experience na niya, huh!

Umulan din ng datung at walang pa-raffle na cheap na gift certificates mula sa mga sponsor ng artista.

Maraming double winners dahil bukod sa first round ng cash prizes, nagkaroon pa ng second round para sa major prizes.

Iba talaga kapag may puso ang network, huh!


Anak ni Kuya Germs kampante kay Alice

Todo ang pasasalamat ni Federico Moreno, anak ni Kuya Germs at Presidente ng Walk of Fame na sinimulan ng yumaong ama, kay Alice Eduardo, CEO ng Sta. Elena Construction.

Inihayag ni Moreno ang damdamin niya kay Alice nu’ng ika-12 taon ng Walk of Fame dahil kahit wala na ang ama ay buo pa rin ang suporta sa proyekto nito.

Ayon sa anak ni Kuya Germs, si Alice ang huling nakausap ng ama bago ito namatay.

Alam ni Federico na nakaranas din ng hirap ang ama na buuin ang Walk of Fame dahil nag-iisa siyang tumataguyod nito.

Ngayon kahit wala na si Kuya Germs, kampante na si Federico na may isang Alice Eduardo na bukas ang pusong ipagpatuloy ang suporta sa proyekto.

SHARE