Una sa Balita

Korapsiyon, eskandalo binawal imbestigahan ni Gloria

By
0 7,238

Limitado na ang mga imbes­tigasyon ng Kamara tungkol sa mga korapsiyon, eskandalo at iba pang isyu matapos itong rendahan ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Arroyo na nagagamit lang sa pangha-harass ng mga kongresista ang mga tinatawag na congressional inquiry in aid of legislation.

Himutok pa ng dating Pangulo, minsang nakasuhan ng plunder dahil sa pagkalikot umano ng P366 milyong intelligence fund ng PCSO at ng electoral sabotage, kadalasan ay wala namang nabubuong batas sa mga isinasagawang pagdinig kaugnay sa mga inihaing resolusyon.

“I don’t like resolutions in aid of legislation because there is no legislation that happens, only harassment that happens,” paghahayag ni Arroyo.

Mas maigi pa aniyang ­briefing na lamang ang itawag at hindi na inquiry.

“I don’t like them to be done unless you give me a rough draft of the legislation you are thinking of otherwise let’s call it oversight. Call it what it is because after all it is a function of Congress. Then let’s have a briefing not an inquiry where you are going to be so inquisitorial,” dagdag ng dating ­Pangulo.

Nilinaw naman ni Arroyo na hindi niya tuluyang ipagbabawal ang mga imbestigasyon kundi ipapaubaya na lang niya sa isang komite para gawin ang trabahong ito.

“Friendly push for implementation and not to be a policeman. There’s one policeman, I told the congressman, one policeman in the House and that’s the Committee on Good Government. Let them do what they want to do. They’re the only ones authorized to make inquiries,” paliwanag ni Arroyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy