Una sa Balita

Kooperasyon at pagtutulungan para sa mas magandang kinabukasan

0 741

Napakarami na nating napagkuwentuhang mga buhay na nabago nang magsimula tayo. Sa programa ni VP Leni Robredo na Angat Buhay, patuloy nating inaabot ang ating mga kababayang nasa pinakamalalayo, pinakamaliliit at pinakamahihirap na bayan.

Iba’t ibang bahagi rin ng komunidad ang tinututukan ng anti-poverty program na ito ng Office of the Vice President. Mula sa women empowerment, hanggang universal healthcare, patungong rural development – ilan lang ito sa mga haligi ng Angat Buhay program na gamit namin bilang kasangkapan sa pagsupil ng kahirapan sa ating bayan.

Ngunit sa likod ng bawat bayan na aming natutulungan ang mga masigasig at masisipag na mga local government unit (LGU) na puspusan ang pagtatrabaho para sa kanilang mga komunidad.

Kaya’t minabuti rin ni VP Leni na tipunin ang mga lingkod bayan na ito. Sa pamamagitan ng Bridging Leadership (BL) program, napagtipon-tipon ang mga LGU sa ngalan ng kooperasyon at pakikipagtulungan para malutas ang mga problema ng kanilang bayan.

“Maraming bagay kung bakit natin ginagawa iyong Bridging Leadership Program,” kuwento ni VP Leni.

“Una, magkaroon ng haven iyong mga local government official na matino at mahusay. Kailangan kasi, parang, mayroon silang bahay kung saan nase-celebrate iyong kanilang galing at natutulungan sila kapag mahirap iyong panahon. Pa­ngalawa, para mag-train ng mga bagong breed ng mga local official na iyong may mga mahaba nang karanasan, ma-train iyong mga bago.”

“Pangatlo, parang nagkakaroon ng inventory ng mga best practices na puwedeng pinagkukuhanan ng inspirasyon ng iba’t ibang mga LGU,” dagdag niya.

Sa pamamagitan ng BL, naipapaalala natin sa mga LGU ang kahalagahan ng kooperasyon hindi lang sa loob ng komunidad, kung hindi maging sa mga karatig bayan.

Katulad na lang ng kuwento ng mayor ng Calauan, Laguna na si Buenafrido Berris. Kilala bilang Mayor George, isa ang Calauan sa mga sumali sa BL program na nagtapos nitong Martes.

Ibinahagi niya ang natutunan mula sa programa, at kung paano ito nakakatulong sa bayan ng Calauan.

“Co-ownership and cooperation,” ang sagot ni Mayor George nang tanungin kung ano ang mahalagang natutunan niya sa BL.

“Noong una, kami-kami lang within the government. Hindi na-i-involve masyado ang private. We shared the problem with the private na tao, and they came up with ideas kung papaano, how we can solve these problems. As co-owners, sila na rin ngayon ang nagko-contribute.”

Kuwento ni Mayor George, napakaraming pangangailangan ng Calauan. Pero dahil sa koo­perasyon, nagagawan ng solusyon ang mga ito lalo pa’t kasali sa proseso ng paghanap ng kasagutan ang buong bayan—pati na ang mga private partners na nais at may kakaya­hang tumulong.

Ito rin ang kuwento ng halos 20 na mayors na naging bahagi ng nakalipas na BL. Iba’t iba man ang suliranin ng kanilang mga bayan, ang solusyon ay halos pareho—pag-involve ang mga miyembro ng kanilang komunidad at nakikipagtulungan sa Angat Buhay at mga partner nito.

Hindi bababa sa 30 na Angat Buhay communty ang sumali sa nakaraang BL. Mga isyu sa rural development, health and nutrition, women empowerment, at education ang bitbit nila. Matapos ang tatlong araw na training, inuwi nila ang mga aral na natutunan mula sa programa. Dala rin nila ang mga garantiya ng pagtulong ng mga partner para masupil ang problema, at higit sa lahat, dala nila ang pag-asang mapapaganda ang buhay ng kani-kanilang mga bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy