Una sa Balita

Kontrobersyang dakdakan nina Jordan, Wilkins naulit

0 372

DINAOS ANG huling Slam Dunk contest ng All-Star Weekend sa Chicago noong 1988 nang talunin ni Bulls legend Michael Jordan si Atlanta hawks dunk king Dominique Wilkins. Epic ang showdown ng dalawang itinuturing na greatest showman ng NBA. Kontrober­siyal ang panalo ni Jordan.

Bumalik ng Chicago ang All-Star makalipas ang 32 taon, kontro­bersiyal rin ang panalo ni Derrick Jones Jr. ng Miami Heat kay Aaron Gordon ng Orlando ­Magic sa edisyon ng slam contest kahapon sa United Center.

Ano ang nangyari noong ’88 sa lumang Chicago ­Stadium? Marami pa rin ang nagsasabi na dapat si Wilkins ang nag-uwi ng trophy noon.

“I did have a homecourt advantage, yes,” pag-amin ni Jordan sa interview ng The Associated Press.

“The fans got their money’s worth,” ­pakli ­naman ni Wilkins sa ­hiwalay na panayam. ­Magkalaban anila sila sa court, pero walang samaan ng loob.

“There’s no animosity. We love the fact that they still talk about it because we new what we brought,” wika ni Wilkins. Loaded ng talents ang ’88 contest. Si Wilkins ang kampeon noong 1985, si Spudd Webb ng ’86, at si Jordan ng ’87. Nasa field din sina Greg ­Anderson, Clyde Drexler, Jerome Kersey at Otis Smith. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More