Una sa Balita

Kontrobersiyal na aktor tsinugi sa pelikula

0 435

Inusisa ko ang isang talent manager tungkol sa digital movie na pagsasamahan ng kanyang alagang aktres na mula sa GMA-7 at ang isang controversial actor ng ABS-CBN, pero dedma pa ito.

Ang tsika kasi sa akin ng isang source, gagawa si aktres ng digital movie for iWant (digital streaming platform ng Kapamilya network) at kukunan ‘yon sa south of Italy (na napakagandang location, if ever).

Ang bongga nga ng iWant dahil nagagawa nilang pagsamahin sa isang digital movie ang mga artista ng Dos at Siyete, huh!

Anyway, ang tsika kasi, baka raw palitan si controversial actor sa digital movie project na ‘yon dahil hindi nga maganda ang image nito ngayon dahil sa isang controversy na kinasasangkutan.

So, malamang daw na si aktres from Kapuso network, kung matutuloy man sa iWant project na ‘yon ay baka magkaroon na lang ng ibang Kapamilya actor na leading man doon.

Sayang naman kung hindi matutuloy ang pagtatambal ng dalawa dahil sa controversy kay Kapamilya actor. Talaga bang affected na ang career niya dahil sa controversy na kinasangkutan?

Tsk… tsk… tsk…

Richard, KC pinupuri ng mga Pinoy sa Europe

Alam mo, Dondon, nakaka-proud lang na after 11 years at nadalaw ako sa Vienna, Austria at nakilala ko si Jojo Carlos na siyang namahala noon ng screenings doon ng first movie together nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, ang “For The First Time”, na pinuntahan nila kasama si Raymond Gutierrez, puro good words pa rin ang maririnig mo from the organizers tungkol sa tatlong stars.

Hindi nga raw makalimutan ni Jojo ang experience niya with them.
“Super bait nila, ang gagaling makisama, kaya enjoy kami. Walang reklamo kahit pagod dahil sa apat na screenings,” sabi ni Jojo.

Gusto nga raw nilang imbitahan ulit roon ang tatlo.

“Sana makabalik sila rito,” sabi ni Jojo.

Pinaplano nga ni Jojo to coordinate again with Star Cinema at ipa-screening sa Vienna, Austria ang sisimulang pelikula ni Richard with Bea Alonzo and Angelica Panganiban.

“I’m sure, that’s gonna be a big hit at magugustuhan ng mga tagarito sa Europe kung ipapalabas dito sa Vienna at pupunta si Richard, pati sina Bea at Angelica,” sey ni Jojo.

Naikuwento ko naman kay Richard ang mga kuwento sa akin ni Jojo nang magpunta nga sila sa Vienna at parang na-excite siya. Type nga rin ni Richard na balikan ang Vienna.

Sabi nga pala ni Jojo, ang wife niya na isang Chinese, aware sa Filipino celebrities at pina-follow sa Instagram si Sarah Lahbati.

“My wife loves her fashion style, kaya pina-follow niya sa IG. Sana nga, kahit magbakasyon lang si Richard dito at isama si Sarah,” sabi pa ni Jojo.
Excited din daw sila na gumawa ulit ng pelikula ang panganay nina Ri-chard at Sarah na si Zion.

“Sana hindi ‘yung guesting lang, sana mag-artista na talaga si Zion,” sey pa ni Jojo.

Naku, ang alam ko, gusto rin naman ni Zion na mag-artista, pero madalas na magbiro si Richard na saka na magko-concentrate ang anak sa bagay na ‘yon kapag nakatapos na ito ng ilang kurso sa college.

Anyway, on Monday, ang Vienna at ang ilang successful na mga Pinoy roon ang ipi-feature ko sa Abante News Online show ko sa Facebook, kaya abangan ‘yon!

Iza, Alfred, Shaina enjoy sa syuting sa NY

Hanggang Friday (Saturday sa atin) raw ang shooting ng MNL-HK-NY (Manila-Hong Kong-New York) movie nina Congressman Alfred Vargas, Shaina Magdayao at Iza Calzado sa New York.

Enjoy raw ang tatlo sa shooting nila roon. Siyempre, nasisingit din nila ang pamamasyal at pamimili na rin.

Si Alfred naman, kahit nasa New York, madalas na ka-video chat ang misis na si Yasmine, mga anak na babae na sina Alexandra at Ar-yana, pati ang bunsong si Crisanto na kahit baby pa ay parang nakakaintindi na.
Sabi nga ni Yasmine nang maka-chat ko kahapon, “Hahaha, oo, parang naiintindihan na niya, miss na niya daddy niya.”
Ang cute!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy