Una sa Balita

Kontraktuwalisasyon hindi maiiwasan – Bello

By
0 1,323

NILINAW ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang kontraktuwa­lisasyon ay hindi maiiwasan dahil ang ilang mga serbisyo ng ibang establisimiyento ay na­ngangailangan lamang ng kontraktuwal na manggagawa.

Sinabi ni Bello na alam naman ng karamihan na may mga serbis­yo na hindi maaaring mapermanente, ay dinadaan sa outsourcing.

Ang mga grupo ng manggagawa, kasama na ang Department of Trade and Industry, at Employer Confederation of the Philippines ay sumang-ayon sa mga tuntunin sa isang execu­tive order (EO) na ipinanukala ng mga orga­nisasyon ng mga manggagawa.

Ang mga tuntunin ay nagbago sa kalaunan nang magsumite muli ang mga labor group ng bagong EO na humi­ngi ng kabuuang pagbabawal ng kontraktuwalisasyon.

Pagkatapos nito ay bumalik ang grupo na gusto nila ang proposed EO na kung merong probisyon na nagsasaad na walang contractual arrangement, o total prohibition.

Noong 2016 ipinanukala ni Bello ang ‘80-20 arrangement’ na parang imposible na ma-regular ang lahat ng empleyado pagkatapos ng anim na buwan kung saan ang ilang kompanya ay na­ngangailangan lamang ng seasonal o project-based workers.

Una nang sinabi ng Malacañang na kinakailangan ang isang batas upang matugunan ang mga hinihingi ng mga grupo ng paggawa para sa ganap na pagbabawal ng kontraktuwalisasyon.

Nakatakdang maki­pagpulong ang Pangulo­ sa mga grupo sa Abril 16.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy